Monday, October 15, 2007

Buena Mano!

Oist.. atin-atin lang ito ha kumbaga ito ang electronic mind ko... kung napansin din ninyo wala akong opinion o personal sharing pino-post dun sa chapter blogsite natin in more than a month na nagpo-post ako doon... malinaw kasi sa sinulat ko doon sa profile ko kung bakit ginawa ko iyong blog para talaga iyon sa chapter-service natin... although madalas kong pinipigilan ang sarili ko na mag-post ng personal thoughts ko to shield ang mga chapter members sa mga biases o violent reactions o kung ano mang komento meron ako sa kasalukuyan.

Napili ko palang ipangalan na blogsite e "Bless The Food Na!" at ang title naman ay "Hold That Thought... No More!" kasi nga di ba after ng bless the food e fellowship na... meaning lahat ng mapag-usapan ay off the record na he he... parang we can be ourselves na... less serious ba unlike sa PW proper wherein iwas biruan naka-focus sa sharing and discussions.. di tulad ng fellowship nandoon na ang biruan, tawanan at kung anu-ano pang usapan.

Di ko layunin na kumbinsihin o guluhin ang isipan ninyo sa mga isusulat ko dito... malaya po ninyo akong itama sa mga mali kong akala basta po kung ano ang mapag-usapan natin dito ay mananatili po lahat sa blog na ito at wala pong personalan. Kaya pagkatapos po ninyo mag-exit sa blog na ito ay huwag na po nating dalhin at iwanan na lang po natin dito ang palitan natin ng kuru-kuro.

So eto na umpisahan ko na ang paglathala ng mga sharings ko... speaking my mind and... HOLD THAT THOUGHT - NO MORE!

No comments: