Tuesday, February 12, 2008

IT'S BEEN AWHILE NA.!

Maybe you're wondering, what ever happened to this blog after boasting of sharing my electronic mind and venturing into unchartered horizon - Hold That Thought... No More! - he he is it the English language that's keeping me from pounding my keyboard?!? Hmmm... tagalugin mo kasi he he... o sige na nga Taglish pwede na.

So ano na? Well, umpisahan ko sa mga observation ko sa mga teachings natin. Let me make this very clear, I'll be sharing my thoughts and observations not with a QUESTIONING HEART but to BUILD-UP our community kumbaga mga constructive criticism ba. Of course, anybody can rebuke me if I'm wrong or most especially if I'm getting out-of-line.

So, eto na paunang salvo na brought up ko na ito minsan sa MCG...

WHERE'S THE FOLLOW-UP?
  • Orientation of a new household to CFC (after the CLP)
  • Covenant Orientation
  • Marriage Enrichment Retreat 1
  • Marriage Enrichment Retreat 2
Meron pa kayang ibang teaching na may FOLLOW-UP? Ito rin ang topic ng last entry ko kaya maigsi na lang ang magiging komento ko. Sa MER napapansin ko na panay ang schedule ng activity na ito pero ewan ko lang sa ibang HH kung nagagawa pa nilang gawin iyong mga FOLLOW-UP meetings ng mga ito. Kami ni Tita tagal na naming natapos MER 1 and 2 pero never pa namin na-experience ang mga FOLLOW-UP nito.

Ang primary reason ay ang di sabay-sabay na pagkuha ng MER ng mga member couple kaya di magawa ang 9 FOLLOW-UP meetings ng mga ito. Dahil di nga naman sabay-sabay uma-attend ang mga HH members kaya di na magawa ang FOLLOW-UP. Pero dahilan ba ito para di na balikan o isagawa ang mga meetings na ito o kalimutan ng tuluyan?

Sa ganang akin lamang kung iisipin mo mas importante ang FOLLOW-UP kesa doon sa MER proper mismo dahil kailangan ma-sustain kung ano mang magandang naidulot ng MER sa buhay ng mag-asawa. di ba?

Ano saysay ng mga MER natin kung ganitong karamihan sa atin ay walang mga FOLLOW-UP meetings pala?

Para mo na ring tinanong na... bakit pa tayo nagsi-CLP kung napapadami lang natin ang Chinese community - LAI-LO - he he teka ibang topic na iyan - abangan!

Huwag tayong pikon - GOD BLESS!

No comments: